Sunday, July 11, 2010

Psalm 23

Ang Panginoon ang aking Pastol.
Wala na akong kailangan pa.
Inilalagay Niya ako sa lugar na walang kagutuman.
Hindi ko kailangang magpagal ng husto dahil ang aking kinalalagyan ay walang alon ng katulad nang sa karagatan.
Kinakalma Niya ako.
Tinuturuan Niya ako ng mga bagay na ayon sa Kaniyang kalooan at pag-iisip, upang ang Kanyang Pangalan ay mailahad sa lahat ng sangkatauhan.

At kahit pa sa aking buhay ay may pighati, kalungkutan, problema at sakuna, hindi ako natatakot. Wala akong pag-aalinlangan na patuloy na maglakad dahil ang aking Pastol ay kasama ko. Ang kaniyang mga biyaya ay sapat upang tugunan ang anumang pighati, maging kamatayan man, kawalan ng trabaho, pagkakasakit, pagkakaroon ng problema at maging sa pagkakasala.

At katulad ng isang pitagang bisita, ako ay Kaniyang binigyan ng halaga kahit pa sa harap ng mga may ayaw sa akin, sa harap ng mga napagkamalian ko, sa harap ng mga taong mababa ang tingin sa akin. Pinili Niya ako, at aking kagalakan ay patuloy na umaagos sa aking puso.

Sigurado akong sa aking buhay ay patuloy na magkakaroon ng walang hanggang kasiyahan, at ako ay mananatili sa piling ng aking Panginoon magpakailanman.